Isa nang ganap na ina si Valeen Montenegro na isa sa mga host noon ng "Bubble Gang" sketch na "Balitang Ina!"
Sa magkasamang post sa Instagram nina Valeen at mister niyang si Riel Manuel, nakasaad na November 11 nang manganak ang aktres matapos ang 28 oras na pagla-labor.
Saad ni Riel, ang pagla-labor ni Valeen "showed me what real strength looks like."
"She’s my hero," dagdag niya sabay ng pagsasalamat sa kaniyang kabiyak "for enduring every challenge, every ache, and every worry just to bring our little one into this world.”
Sa comment section, binati ng mga celebrity gaya nina Carla Abellana, Maxine Medina, at Chariz Solomon, ang mag-asawa.
Bagaman nagdaos ng gender reveal party noong July sina Valeen kasama ang mga kaibigan, hindi pa nila isinasapubliko kung girl o boy ang kanilang baby.
Naging engaged sina Valeen at Riel noong 2022, at nagpakasal noong 2024.
Nitong nakaraang Oktubre, nagbigay ng kanilang payo kay Valeen ang mga kaibigan niyang sina Chariz Solomon at Lovely Abella tugkol sa pagiging isang ina.— Hermes Joy Tunac/FRJ GMA Integrated News

