Inihayag ni Zsa Zsa Padilla sa social media post ang pagkadismaya niya sa awarding ceremony ng Aliw Awards 2025, na kabilang siya sa ginawaran ng Lifetime Achievement Award. Ang naturang pagkilala, isinasauli niya.
Sa two-part Instagram post, inihayag ni Zsa Zsa na natuwa siya noong una nang mapabilang siya sa tatanggap ng Lifetime Achievement Award, bunga ng 42 taon niya sa entertainment industry.
“I didn’t prepare a written speech, thinking it would be better to speak from the heart,” saad niya. “After all, I had so much to be grateful for, having been in this industry for 42 years.”
Ayon sa veteran singer-actress, balak niyang kilalanin sa kaniyang speech ang maraming tao na tumulong sa paghubog ng kaniyang mahabang karera, pati na ang kaniyang pamilya na naroon noong gabi ng parangal.
Pero napalitan ito ng pagkadismaya nang pababain na sila ng stage matapos ibigay ng award, at hindi sila binigyan ng pagkakataon na magsalita.
“We were handed our awards and waited for a while, assuming we would be given the opportunity to say a few words,” kuwento niya. “Instead, a production staff member eventually signaled for us to step down.”
Matapos ang seremonya, sinabi ni Zsa Zsa na naihayag niya ang nais sana niyang sabihin sa stage nang tanungin ng isang vlogger ng kaniyang saloobin sa pagtanggap ng award pero sa labas na ng venue.
“Afterward, I felt like crying,” aniya. “I was still dumbfounded by how the awarding was handled.”
“To be dismissed so abruptly after supposedly being ‘honored’ was shocking and embarrassing,” patuloy niya.
Hiling ni Zsa Zsa sa Aliw Awards: “do better.”
“Honor people properly. Prepare video presentations explaining why recipients are being given Lifetime Achievement Awards,” mungkahi pa ni Zsa Zsa.
Ipinunto rin ni Zsa Zsa na may ibang awardee na binigyan ng pagkakataong magbigay ng maikling talumpati.
“What was missing was sincerity,” patuloy niya. “Instead of feeling honored, I was left feeling small as I walked off that stage.”
“For that reason, I am returning the award to you,” sabi ni Zsa Zsa. “I hope you understand this gesture and take it as an opportunity to learn how to honor your recipients with the respect they deserve.”
Bukod kay Zsa Zsa, ang iba pang tumanggap ng Lifetime Achievement Award ay sina Gary Valenciano, Jed Madela, at Franki Asinero.
Sinusubukan pa ng GMA News Online na mahingan ng komento ang Aliw Awards Foundation, Inc. – Hermes Joy Tunac/FRJ GMA Integrated News

