Inamin ni Ashley Ortega na naging hamon ang taping ng intense at daring scenes nila ng kaniyang real-life boyfriend na si Mavy Legaspi, para sa crossover ng kaniyang karakter na si "Angel" sa GMA Afternoon Prime series na “Hating Kapatid.”

Sa ulat ng Balitanghali nitong Huwebes, sinabing mapanonood simula sa Marso ang Kapuso drama mystery series na “Apoy sa Dugo,” na pagbibidahan nina Ashley, Elle Villanueva, Derrick Monasterio, Pinky

Ngunit bago nito, may magaganap munang crossover sa karakter ni Ashley na si Angel, sa isa pang GMA Afternoon Prime series na “Hating Kapatid.”

May cameo scene rin si Ashley bilang si Angel na kasama si Tyrone, na ginagampanan ng kaniyang nobyo sa tunay na buhay na si Mavy.

Ayon kina Ashley at Mavy, extra challenge sa simula ng kanilang taping pero achieve naman ang dapat kaabangang intense at daring scenes.

“Una may kaunting awkwardness tapos medyo kinabahan din ako kasi parang ito nga, first time namin magka-work. Pero habang tumatagal naman, nagiging okay na. And of course, working with someone you love is talagang, it makes you feel like home,” sabi ni Ashley.

“‘Pag nag-work na siya, matatawa na ako. But siyempre, at the end of the day, we keep it professional. That was just like the first take. No need for any chemistry work or whatsoever,” sabi ni Mavy. – Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News