Ipinakilala na ang P-pop dance stars na makikipag-collab sa limang celebrity dance stars sa Season 2 ng “Stars on the Floor.”

Sa ulat ng Balitanghali nitong Martes, sinabing ito ay sina Joker ng 1st.One, Jao ng Alamat, Sophia ng KAIA, Denise ng Calista, at Jeromy ng Hori7on.

Dapat namang abangan kung sino ang celebrity dance stars na kanilang makaka-collab ngayong season.

Nagbabalik bilang mga miyembro ng Dance Authority sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Dance Trend Master Coach Jay.

Samantala, bagong miyembro naman ng Dance Authority si Kapuso Total Heartthrob Rayver Cruz.

Nagsisilbi pa ring host ng competition si Asia's Multimedia Star Alden Richards.

Nakatakdang mag-premiere ang Stars on the Floor Season 2 sa Pebrero 15 sa GMA. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News