Opisyal nang sinimulan ang paggawa ng produksyon para sa live-action adaptation ng “Gundam” sa Queensland, Australia.

Sa X, inanunsyo ng Netflix na pagbibidahan ang inaabangang proyekto nina Sydney Sweeney at Noah Centineo. Ang kuwento ay mangyayari sa gitna ng isang matagal nang digmaan sa space.

Kabilang din sa cast sina Jackson White, Shioli Kutsuna, Nonso Anozie, Javon Walton, Oleksandr Rudynskyi, Ida Brooke, Gemma Chua-Tran, at Jason Isaacs.

Sa direksyon ni Jim Mickle, susundan ang orihinal na kuwento ng magkaribal na piloto ng mech na nakikipaglaban sa magkasalungat na panig ng isang dekadang sigalot ng daigdig at ng space colonies.

“As shifting allegiances and a growing threat set them on a collision course for one another, they’re pulled into a high-stakes race across the stars that could define the fate of humanity. With awe-inspiring battles, intimate human emotion, and an epic cinematic scale, this is Gundam like it’s been seen before,” ayon sa paunang paglalarawan ng pelikula.

Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na petsa na inaanunsyo ang Netflix kung kailan ito ipalalabas. – —Hermes Joy Tunac/FRJ GMA News