Magbabalik sa Maynila si Jason Mraz bilang bahagi ng kaniyang Asia 2026 tour. Nakatakda siyang magtanghal sa Oktubre 27 sa SM Mall of Asia Arena.
Maaaring mabili ang tiket ng concert simula sa Mayo 17. Sa kasalukuyan, hindi pa inilalabas ang iba pang detalye, kabilang ang presyo ng tiket at ang seat plan.
Bukod sa Manila, magtatanghal din si Jason sa Bangkok (October 29), Kuala Lumpur (October 31), Taipei (November 2), Hong Kong (November 4), Tokyo (November 10), Osaka (November 11), at Seoul (November 14).
Huling nagtanghal si Jason sa Pilipinas noong May 2019 na bahagi ng kaniyang Good Vibes tour bilang suporta sa kaniyang album na "Know!"
Kabilang sa mga hit song ni Jason ang “I’m Yours,” “I Won’t Give Up,” at “Lucky.” — Hermes Joy Tunac/FRJ GMA News

