Pumanaw na ang vocalist ng bandang Sleep Alley na si Aly, ayon sa anunsyo ng grupo. Inihayag din nila na isasara na nila ang “chapter” na ito sa kanilang banda.
Sa isang pahayag nitong Linggo, inilarawan ng grupo si Alley na isang "beloved bandmate and dear friend."
"Aly was more than a member of Sleep Alley, she was a part of the heart and soul of this band. Through her music, passion, creativity, and friendship, she touched not only our lives but also the lives of everyone who listened to our songs and supported our journey," saad ng mga kasapi ng banda na sina Jude, Kyle, at Michael.
Sinabi ng banda na habambuhay nilang pahahalagahan ang musika, mga alaala, at mga sandaling pinagsaluhan nila kasama si Aly.
"Her voice, spirit, and artistry will continue to live on through the songs we made and the people she inspired along the way," saad ng Sleep Alley.
Bilang pagkilala kay Aly at sa lahat ng kaniyang naiambag sa banda, nagpasya ang Sleep Alley na tuluyan nang isara ang “chapter” ng kanilang grupo.
"We leave this as part of her legacy. A reflection of the music, memories, and journey we shared together," ayon sa grupo.
Nagpasalamat din ang banda sa lahat ng sumuporta sa kanila sa nakalipas na mga taon at sinabing naging bahagi rin ang mga tagahanga ng kanilang paglalakbay kasama si Aly.
"As we say goodbye, we ask that you keep Aly and her loved ones in your thoughts and prayers. We hope that whenever our music is played, her memory continues to live on," ayon sa Sleep Alley.
"Thank you, Aly, for the music, the friendship, and the memories. We will carry them with us always,” patuloy nila.
Kabilang sa mga awitin ng Sleep Alley ang "Balik-balikan,” “Di Naging (Tayo)," "Hintay," at "Lihim." —Nika Roque/FRJ GMA News

