Sa bagong trailer ng “Spider-Man: Brand New Day,” muling nakasama ni Peter Parker ang dati niyang kasintahan na si MJ at matalik na kaibigang si Ned. Pero hindi pa rin naaalala ng dalawa ang tunay na pagkatao ni Peter.
Ipinakita sa bagong trailer na nawawalan ng kontrol si Spider-Man, ginagampanan ni Tom Holland, sa kaniyang sarili at sa kaniyang mga kapangyarihan.
Ang naturang pinagdadaanan ni Peter ay isang kondisyon na inilalarawan ni Bruce Banner (Mark Ruffalo) na mutating DNA.
"What is happening to me? I'm losing my mind," saad ni Peter. "I gotta fix whatever this is right now."
Samantala, masaya nang nagpapatuloy sa kani-kanilang buhay sina MJ (Zendaya) at Ned (Jacob Batalon) bilang mga estudyante sa MIT. Ngunit may isang hindi nakikitang kalaban na nagbabanta sa mundo, at si Peter lamang ang nakakaramdam nito.
Sa muli nilang pagkikita, napapalapit muli si Peter kina MJ at Ned. Makikita rin sa trailer ang investigation board ni Ned tungkol sa misteryosong si Spider-Man.
Mag eksena rin na muling binuhat ni Spiderman si MJ upang iligtas.
Magaganap ang kuwento ng "Spider-Man: Brand New Day," apat na taon matapos mabura ang alaala ng mga karakter matapos ang "Spider-Man: Far From Home."
Mapapanood ang inaabangang pelikula sa mga sinehan simula sa July 29. —FRJ GMA News
