Isang indigenous group mula sa Taiwan ang tumawid sa Bashi Channel sakay ng bangka at nagsagwan papunta sa Batanes sa Pilipinas.
Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Huwebes, sinabing sila ang Tao people na umalis sa Orchid Island noong Lunes.
Parte ng Pacific Ocean ang Bashi Channel, kung saan nagsalitan ang lahat sa pagsasagwan.
Sinabi ng chairperson na Indigenous Peoples Cultural Foundation na binubuhay nila ang isang maritime route na ginamit daan-daang taon na ang nakararaan.
Bukod dito, gusto rin nilang buhayin ang cultural connection ng Pilipinas at Taiwan.
Malapit umano ang ugnayan ng Tao people sa mga taga-Batanes Island.
Suportado ng kanilang gobyerno ang kanilang paglalayag.
Sinamahan din sila ng escort na vessels para matiyak ang kanilang kaligtasan.—Jamil Santos/FRJ GMA News
