Niregaluhan ni Sanya Lopez ang kaniyang sarili ng isang sasakyan bilang early birthday treat.
Sa kaniyang Instagram, na iniulat sa Balitanghali nitong Miyerkoles, ibinahagi ni Sanya ang larawan niya na nasa loob nito, na tila excited nang mag-road trip.
“I've always believed that if you work hard, stay patient, have a good heart, and trust God's timing, beautiful things will eventually find their way to you,” caption niya.
“A little early for my birthday, but here's a gift to myself. Thank you po Lord, sa lahat ng blessings mo po palagi,” dagdag niya.
Pinusuan ito ng kaniyang mga kaibigan at followers.
Magdidiwang si Sanya ng kaniyang ika-30 kaarawan sa Agosto. —Jamil Santos/VBL GMA News
