Nagbabalik sa pag-aaral si Bea Borres walong buwan matapos niyang isilang ang kaniyang anak na babae.

Sa kaniyang social media, ibinahagi ng content creator ang ilang larawan habang nasa Ateneo de Manila University siya.

“Hopea is turning 8 months & it’s my first day of school!” saad ni Bea sa caption.

Sa pagninilay sa kaniyang mga pinagdaanan, sinabi ni Bea na pursigido siyang matapos ang kaniyang pag-aaral sa kabila ng mga hamon na kaniyang hinarap.

“Time flies so fast, indeed. Despite the many setbacks I've faced in life, I'm still pursuing my education,” sabi niya. “Thank You, Lord, for giving me the courage to keep going while carrying my little hopea.”

Matatandaan na isinapubliko ni Bea ang kaniyang pagbubuntis noong Agosto 2025. Sa kaparehong buwan, nagbahagi siya ng sonogram at inanunsyong magkakaroon na siya ng baby girl.

Nito namang Enero, inilahad ni Bea na isinilang na niya si Victoria Hope, o Hopea, na nanatili sa neonatal intensive care unit (NICU) ng 44 na araw bago na-discharge.

Bininyagan naman si Hopea nitong nakaraang Mayo.

Carby Basina/Jamil Santos/FRJ GMA News