Mission impossible kung maituturing ang ginawa ni Erwin Dayrit, isang artist na may kapansanan sa buto, na hindi inalintana ang panganib sa pag-akyat sa bundok makita lang at maibigay ang munting regalo sa kaniyang idolo at kilalang tattoo artist na si Apo Whang Od.

Sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho," idinukomento ang kanilang pagtatagpo, at makikita na hindi napigilan Apo Whang Od ang pumatak ang luha sa ginawang sakrispisyo ni Erwin upang makita lang siya.

Bilang pasasalamat, isang regalo ang ibinigay ni Apo Whang Od na hindi malilimutan ni Erwin, na nilabanan ang takot sa pagpapa-tattoo.


-- FRJ, GMA News