Ibinahagi sa GMA News ni college basketball sensation Kobe Paras ang kanyang mga plano at pangarap na makapaglaro sa NBA.
Si Kobe, anak ni dating Philippine Basketball Association cager Benjie Paras, ay nasa US ngayon upang mag-aral.
At sa kanyang pagbakasyon kamakailan, ibinahagi niya kay Mark Zambrano ng GMA News ang kanyang mga plano, isa na rito ang makapaglaro ng pamosong National Basketball Association (NBA) ng US.
Sa ngayon, aniya, nakatakda na siyang maglaro sa Cal State Northridge Matadors.
Dating naglaro si Paras sa Creighton Bluejays na may 4.7 minutes per game at 1.3 points sa kaniyang 15 ulat na pagsabak sa hard court. —LBG, GMA News
