Isang construction worker ang binawian ang buhay matapos umanong pagtulungang saksakin ng dalawang menor de edad sa Davao City, ayon sa ulat ni Rgil Relator sa "Balita Pilipinas Ngayon."

Kinilala ang biktima na si Christian Padillio na dinala ospital matapos ang insidente  ngunit dineklarang dead on arrival.

Namatay ang biktima matapos umanong pagsasaksakin ng dalawang menor de edad na kapwa 15 taong gulang.

Binugbog muna ng dalawa ang biktima bago siya sinaksak ng ice pick sa dibdib.

"Nakita nila tong si Mr. Padillio, di nila kilala, e di iyon sinaksak. Fortunately, nahuli naman itong dalawa," sabi ng hepe ng San Pedro Police na si Police Chief Inspector Benkalin Baluan.

Kasalukuyang nasa isang shelter para sa mga children in conflict with the law ang dalawang suspek, sabi sa ulat. — Joviland Rita/ LDF, GMA News