Viral ang video ng isang jeep sa Nagtipunan, Quirino dahil sa malaking tent o kubol na nakakarga rito habang bumabyahe.

Sa ulat sa GMA "24 Oras Weekend" nitong Linggo, makikitang nakapatong sa bubong ng jeep ang tent at halos masakop na nito ang buong kalsada dahil sa mga nakausling bakal.

Ilang motorista rin ang nag-overtake sa naturang jeep.

Puna ng ilan, delikado ang ginawa ng driver ng jeep at posibleng magdulot ng disgrasya sa kalsada. Panoorin ang peligrosong pagbyahe sa video. — Dona Magsino/BM, GMA News