Sa kabila ng hirap ng pagiging OFW sa Saudi Arabia, tiniis ni Tatay Darren ang 20 taon ng pagkakawalay sa pamilya para lamang mapag-aral at mapagtapos niya ang kaniyang mga anak.

Sa programang Wowowin, ikinuwento ni Tatay Darren na nagtrabaho siya bilang electrician at nagpabalik-balik sa Riyadh at Jeddah.

Nagpasalamat naman ang anak niyang si Lyka, na magtatapos na sa kursong Business Management, Major in Financial Management.

Ipinaliwanag naman ni Lyka na sumali siya sa mga pageant para kumita rin ng pera dahil nahihiya rin siya sa mga ate niyang nagpapa-aral sa kaniya.

Tatlong taon nang tumigil sa pag-OFW si tatay Darren dahil pinahinto na siya ng mga anak. Panoorin ang kanilang kuwento.

— Jamil Santos/MDM, GMA News