Sa programang "Stand For Truth," ipinakilala ang pinakabagong Filipina Marvel superhero na si Wave na isa palang Cebuana sa pangalang Pearl Pangan.
Kasabay nito, nagkomento rin ang Pinoy co-creator ni Wave sa umano'y politikal na isyu na tinalakay sa comics.
Sinabi ni Leinil Yu, co-creator ni Wave, na ang konsepto ng naturang superhero ay nanggaling sa kaniyang Lolo na writer din ng Marvel comics.
Sa preview ng "War of the Realms: New Agents of Atlas #1," lumabas na hinarap ni Wave ang Chinese heroine na si Aero sa karagatan, na tila sumasalamin sa kasalukuyang giriian ng Pilipinas at Tsina sa West Philippine Sea.
Alamin ang komento ni Yu, pati na rin ng isang comics critic.
— BAP, GMA News
