Kumuha ang "TBATS" ng mga kabataan na gustong maging artista at wala silang kamalay-malay na si Maine Mendoza ang magiging vocal trainer nila na may kasamang acting. Alamin kung papaano kakantahin na may kasamang drama ang "Paruparong-Bukid," at pa-sexy dance naman ang "Sitsiritsit."
Pero kayanin kaya ni Maine at hindi kaya siya matawa sa gagawing pag-prank sa mga kabataan? Panoorin ang masayang video.
Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
--FRJ, GMA News
