Marami ang naantig ang damdamin nang ihayag ni Andrew sa "Wowowin" na hindi niya ikinahihiya ang ama niyang basurero dahil sa pagtataguyod sa kanila.

Sa ulat na ito ni Mariz Umali sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, kilalanin si Tatay Tunying, na sa edad na 68 ay patuloy na nagbabasura upang mapag-aral ang kaniyang mga anak nang hindi raw matulad sa kaniya. Panoorin.

--FRJ, GMA News