Hindi lang nakita ng mga tao, kung hindi na-caught on cam pa ang isang palito ng posporo na tila nagsasayaw sa ibabaw ng lamesa sa Sorsogon City. Ang hinala ng mga nakatira sa bahay, baka nagbalik ang "alaga" nilang mga duwende. Pero iba ang natuklasan ng paranormal investigator na si Ed Caluag.

Upang malaman ng mga nakatira sa bahay kung ano ang misteryong nasa lukod ng pagtayo at paggalaw ng palito, humingi sila ng tulong sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" para maimbestigahan ang insidente.  Kaya naman isinama ng "KMJS" si Caluag sa lugar at nagulat sila sa kanilang natuklasan kung sino ang nagpaparamdam sa bahay.  Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News