Makatatanggap ng P60,000 bonus ngayong Pasko ang mga kawani ng Office of the President.

Inihayag ito ni Assistant Executive Secretary Annalyn Tolentino ng Social Secretary’s Office, sa Christmas tree lighting ceremony sa Malacañang nitong Lunes ng gabi.

Dumalo sa naturang seremonya si Pangulong Rodrigo Duterte at ilang miyembro ng Gabinete.

Sa kaniyang talumpati, pinasalamatan ni Duterte ang mga kawani ng Office of the President, “for demonstrating unwavering commitment and the highest standards of professionalism in public service.”

“With your genuine desire to serve our country, this administration was able to fulfill its promise to the Filipino people. Your dedication towards the work that you do is truly inspiring,” saad ng pangulo. --FRJ, GMA News