Nang dahil umano sa bintang ng pambababae, black eye at sugat sa ulo ang inabot ng isang ginang sa Vintar, Ilocos Norte, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Reklamo ng misis, binugbog siya ng mister at hinampas pa umano sa ulo niya ang bag na may tablet.

Nabisto umano ng ginang na may ka-videocall na ibang babae ang mister niya.

Doon na sila nagtalo.

Giit ng mister, naitulak lang niya ang asawa at aksidenteng naihampas ang hawak na tablet. Aminado siyang nakainom.

Nag-sorry siya sa kanyang asawa pero desidido ang ginang na magdemanda. —KBK, GMA News