Hinangaan ng netizens ang isang lalaki sa Cavite City matapos niyang unahing sagipin ang kanyang apat na alagang aso sa halip na ang mga gamit niya mula sa nasusunog niyang bahay.
Ayon kay Mang Jun-Jun Ramos, hindi raw matutumbasan ang kahit na anong halaga ang buhay nina Sky, Kambal, Virus, at Pok na mga aso niya.
Marami ang humanga kay Mang Jun-Jun matapos siyang ma-feature sa Facebook page ng Animal Kingdom Foundation (AKF), na nagbigay din ng tulong mga nasunugan. —LBG, GMA News
