Nag-iisang anak lang nina Richard Gomez at Lucy Torres si Juliana, na 21-anyos na ngayon. Sadya bang pinili ng mag-asawa ang maliit na pamilya?

Sa episode ng GMA News and Public Affairs’ showbiz podcast na “Updated with Nelson Canlas,” sinagot ng actor-turned-politician na si Richard kung binalak ba nila ni Lucy na dagdagan ang kanilang anak.

“We tried. We tried so many times. Siguro we’re not fortunate lang to have another one,” saad ni Richard, na nanalong kongresista ng Ormoc sa nagdaang halalan.

“Parang siguro sinabi ng Diyos na, ‘tama na ’yan isa na muna, isa na lang, pagtiyagaan niyo na si Juliana,’” patuloy niya.

Dati nang inihayag nina Richard at Lucy na kaloob ng Diyos ang pagkakaroon ng anak. Pero masaya na sila sa pagkakaroon ng maliit na pamilya.

“Masaya naman kami kung kaming tatlo lang, ano lang kami tawa lang kami nang tawa. We talk about so many things in life, we talk about ano ba ’yong gusto naming gawin, ano ba ’yong future plans natin,” sabi ni Richard.

“You know, it’s a small happy family. Kaya nga si Lucy pag magkakasama kaming tatlo, sasabihin niya, ‘look at us, our small family.’ Tatlo lang kami, isang lamesa lang kami,” dagdag niya – FRJ, GMA News