Inilaan muna ng Kapuso stars ang long weekend ngayong Undas para makapagpahinga at sulitin ang kanilang oras para sa pamilya o sa sarili.

Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa 24 Oras nitong Martes, sinabing bumiyahe si Bea Alzono sa Spain, at namasyal sa tourist spots sa Burgos at San Sebastian.

Ipinasilip din niya ang bago nilang apartment sa Madrid, habang ipinagdasal niya sa Lourdes, France ang paggaling ng kaniyang ina, at ang mga biktima at nasalanta ng bagyong Paeng.

Nagkita rin sila ng kaniyang nobyong si Dominic Roque sa Milan, Italy.

Nasa Bangkok, Thailand naman si Alden at in-enjoy ang Thai street foods.

Nasa Thailand din ang Start Up co-star niyang si Yasmien Kurdi, na bumisita sa Grand Palace Temple.

Sight-seeing at enjoy din si Sanya Lopez sa natikman niyang Thai dishes, at binisita ang ilang sikat na tourist destinations.

Nakabalik at nakapag-relax naman ang pamilya nina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap sa Bali, Indonesia. Kumpleto sila at kasama pa ang pamangkin ni Arthur na si Paul Salas.

Sa Japan nagbakasyon si Michael V. at ang kaniyang pamilya. Doon nila nasaksihan ang pagpalit ng mga dahon sa autumn, at nag-star gazing din sila.—Jamil Santos/LDF, GMA News