Good vibes ang hatid ng isang babae na pinatunayang "makeup is life" kahit nakasakay sa isang ride sa amusement park.

Sa ulat sa “Unang Balita” nitong Miyerkules, sinabing nakapaglagay pa ng face powder si Krijrana Kabañez habang paakyat ang sinasakyan niyang ride.

ADVERTISEMENT

Aniya, mainit raw kasi kaya dapat hindi oily ang kanyang mukha.

Hirit pa ng dalaga, nabitin raw siya sa ride pero ang importante maganda at masaya pa rin siya.—Mel Matthew Doctor/AOL, GMA Integrated News