Binigyan ng singer-composer at multi-instrumentalist na si Abby Clutario ng kakaibang interpretasyon ang kantang "Tadhana" ng Up Dharma Down gamit ang chapman stick.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa 24 Oras nitong Miyerkoles, sinabing mapakikinggan na ang bersyon ni Abby sa Enero 20 sa release ng kaniyang single sa digital music platforms sa ilalim ng AltG Records.

Kakaibang instrumento ang chapman sticks, na kabilang sa pamilya ng mga gitara.

Iilan lamang sina Abby na gumagamit ng chapman stick, na ayon sa kaniya ay eclectic at flexible na musical instrument.

"Usually kapag kino-cover ko 'yan sa events, piano. And then sabi ko oo nga, maganda nga siyang gawin sa chapman sticks, so naging iba rin talaga 'yung kinalabasan niya and I'm happy about it," sabi ni Abby.—Jamil Santos/LDF, GMA Integrated News