Itinampok ang tinaguriang “Huling Mambabatok” ng Kalinga na si Apo Whang-od sa isang fashion and lifestyle magazine.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabing ang cultural icon ang cover star sa April issue ng magazine na pinusuan ng netizens.

Ayon sa magazine, sinisimbolo ni Whang-od ang lakas at ganda ng Pinoy.

Sa pambabatok ni Whang-Od ng iba’t ibang simbolo mula sa kanilang tribo, nakilala ang Buscalan sa Kalinga, at nagmarka sa maraming turista.

Handa si Whang-Od na ibatok ang kanilang tatak-Buscalan hangga’t nakakakita pa siya, lalo kapag may mga dumarayo mula pa sa mga malalayong lugar.

Edad 106 taong gulang na si Whang-Od. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News