Binisita ni Miss Universe 2022 R'Bonney Gabriel ang Brgy. 743 sa Malate, Maynila, ang lugar kung saan lumaki ang kaniyang ama.

Sa isang video ng Miss Universe, na makikita rin sa Unang Balita nitong Miyerkoles, mapapanood ang mainit na pagtanggap kay R'Bonney ng kaniyang mga dating kapitbahay.

Ayon sa Fil-Am beauty queen, masaya siyang nakabalik sa Maynila makalipas ang limang taon kasama ang kaniyang mga magulang.

Panay ang kaway ni R'Bonney sa mga dati niyang kabarangay.

Namigay din si R'Bonney ng mga pagkain at school supplies sa mga bata.

Sa isang Instagram post, sinabi ni R'Bonney na nostalgia ang kaniyang nararamdaman sa kaniyang pagbabalik doon.

“I spent many summer days playing on this street as a child. From walking to buy pandesal in the morning, playing in the rain when it flooded, watching the fiesta parade, and sweating in the heat playing tongits on the plastic tables. I remember the warmth and kindest of the neighbors. This street showed me how different my life was in America and taught me how to be grateful for everything I have,” anang beauty queen.

“To be able to visit again after everything and give back to a place so close to my heart is one of the biggest blessings of Miss Universe,” dagdag niya.

 

—LBG, GMA Integrated News