Natagpuan ang isang high explosive na vintage bomb ng mga minero sa isang creek sa Itogon, Benguet.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa "Balitanghali" nitong Martes, sinabing isang uri ng General Purpose Bomb ang nakita sa Camp 5 sa Barangay Virac.

Nasa kustodiya na ng Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit ang lampas sa 300 kilong bomba.

Nagpayo ang mga awtoridad na agad iulat ang mga hinihinalang bomba at huwag itong hawakan o galawin upang maiwasan ang disgrasya. — Jamil Santos/BAP GMA Integrated News