Isang limang taong gulang na bata ang nasawi matapos siyang mahulog sa irrigation canal sa Zamboanguita, Negros Oriental.

Sa ulat sa "Unang Balita" nitong Biyernes, inilahad ng ina ng biktima na bumili lamang siya noon sa tindahan ngunit hinabol siya ng dalawa niyang anak.

Pagkarating sa irrigation canal, naghugas ng bota ang biktima, bago ito nahulog.

Nakita na lamang kalaunan ang bata at dinala sa rural health unit ngunit hindi na siya naisalba. — Jamil Santos/ BAP GMA Integrated News