Sa ulat ng State of the Nation, mapanonood ang walang awang pang-aapi ng mga lalaki sa naturang hayop.
Nakunan ng CCTV ang pananakit, kaya natukoy at nadakip ang walong nang bugbog sa capybara.
Kasalukuyang nagpapagaling ang 65 kilogram na lalaking Capybara sa isang wildlife care center.
Nagkaroon ng head injury, pamamaga na may internal bleeding sa paligid ng kaliwang mata at iba't ibang injury sa likod ang Capybara.
Karaniwang nagpapagala-gala sa Rio de Janeiro ang mga Capybara, na pinakamalaking rodent sa buong mundo at tampok sa mga meme dahil sa pagiging chill o kalmado nito. —VAL GMA Integrated News
