Nilagdaan na ng United Arab Emirates ang kanilang bagong labor law na pakikinabangan ng mga dayuhan na nagtatrabaho sa kanilang bansa, kabilang ang mga overseas Filipino worker (OFW).
Sa isang ulat ng GMA News nitong Huwebes, sinabi umano ng embahador ng Pilipinas sa UAE na si Constancio Vingno, na layunin ng bagong batas na mapahusay ang kalagayan at karapatan ng mga dayuhang manggagawa.
Nakasaad sa batas ang pagbibigay ng sahod sa tamang oras, pagkakaloob ng araw ng pahinga, at mga benepisyo tulad ng medical insurance at leave, at iba pa.
Inaasahang na kasama sa mga makikinabang sa bagong batas ang nasa 120,000 na Filipino domestic helpers na nagtatrabaho sa UAE.
May kabuuang 618,000 na Pinoy ang nagtatrabaho sa nabanggit na bansa, ayon kay Vigno.
Kasama rin sa mga nakasaad sa bagong batas ang mga sumusunod:
• Payment of wages within 10 days from the day they are due;
• One day of paid rest per week;
• 12 hours of rest per day, including eight hours of consecutive rest;
• Medical insurance, including 30 days medical leave per year >
• Round-trip ticket home every 2 years;
• Decent accommodation - meals, clothing (if required by the employer); and
• Possession of their personal identification papers such as passports, IDs.
Sa isang pahayag, pinasalamatan naman ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano si His Highness Sheikh Khalifa sa naturang bagong batas.
"We would like to express our gratitude to His Highness Sheikh Khalifa for this kind gesture that would benefit hundreds of Filipinos working as domestic helpers in the UAE," ayon kay Cayetano na kasalukuyang nasa Washington DC para dumalo sa opisyal na pagtitipon.-- FRJ, GMA News
