Dinumog ng mga overseas Filipino worker sa Hong Kong ang look-a-like ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ulat ng GMA News, sinabing nagtungo sa St. Joseph's Church sa Central District ang kamukha ng pangulo.
(Isaac Lawrence/AFP)
Ginaya rin niya ang madalas na suot ni Duterte na puting pang-itaas na mayroong Philippine flag at game na game naman siyang nakipag-selfie sa mga kababayan.
Ayon sa ilang OFWsm noong una ay akala raw nila si Pangulong Duterte ang kanilang nakita na sorpresang nagtungo doon.
(Isaac Lawrence/AFP)
Kasama ng lalaking kamukha ni Duterte ang impersonator naman ni North Korean leader Kim Jong Un.-- FRJ, GMA News


