Natagpuan sa loob ng freezer ang bangkay ng isang Pinay sa Texas, USA, ayon sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Alyssa Marie Rogers, habang nasawi rin ang suspek niyang mister na si Edward, na nagbaril umano sa sarili matapos gawin ang krimen.

Nakita umano ang bangkay ng biktima sa freezer, at ang bangkay din ng suspek nang magpunta sa bahay nila ang mga awtoridad.

Base sa imbestigasyon, nagkakilala ang dalawa online at magdi-divorce na raw dapat dahil sa pananakit ng lalaki ng asawa.

Nakasaad din sa police report, na inamin ni Edward sa kaniyang mga kaanak at kaibigan na inilagay niya sa freezer ang kaniyang asawa.-- FRJ, GMA News