Parehong lumalaki sa hirap sina Niño at Fern. Kaya naman labis nilang ipinagpapasalamat ang nakamit nilang biyaya sa pagiging overseas Filipino worker dahil guminhawa na ang buhay nila ngayon, pati na ang kani-kanilang mga magulang.

Si Niño na dating tagapitas ng mais noon sa bukid, may sarili na ngayong lupain bukod sa mga naipundar niyang bahay at lupa. Habang si Fern na nanghihiram lang noon ng damit sa kaibigan at galing sa junkshop ang mga gamit sa bahay, may bahay at lupa na rin.

Tunghayan ang kuwento ng kanilang pagsisikap at sakripisyo para makaahon sa kahirapan sa pagiging OFW. Alamin din ang kanilang payo sa mga katulad nilang nakikipagsapalaran sa ibang bansa.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News