Pitong taon nang hindi nakakauwi sa Pilipinas ang mag-asawang Melissa at Lorenz Co, na nasa Melbourne, Australia. Kaya naman sinorpresa nila ngayong Pasko ang kanilang magulang na inakalang sa electronic billboard sa Edsa-Guadalupe lang sila makikita.

Sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Miyerkules, dahil sa tagal ng pananatili nila sa Australia, nagkaroon na sila doon ng isang anak.

Ang kanilang baby, hindi pa nakikita ng kanilang mga magulang dito sa Pilipinas.

Sa tulong ng Canva Philippines,  nasilayan ng mga kaanak nina Melissa at Lorenz ang ginawa nilang digital art sa electronic billboard sa Edsa-Guadalupe.

Pero ang hindi nila alam, hindi lang sa electronic billboard nila makikita sina Melissa at Lorenz, at ang kanilang baby dahil umuwi ng Pilipinas ang mag-anak para sorpresahin sila. --FRJ, GMA News