Sa kaniyang pagpunta sa Kuwait upang magtrabaho bilang isang kasambahay para matulungan ang pamilya, hindi inakala ni Joanna Demafelis na mapupunta siya sa isang among pagbubuhatan siya ng kamay kahit na wala naman siyang ginagawang masama.

Bukod sa pananakit na nararanasan sa kaniyang amo, pinagkakaitan din siya ng tamang pagkain kaya napipilitan siyang kainin ang mga pagkaing itinapon na. Tunghayan sa video na ito ng "Imbestigador" ang kalupitang dinanas ni Joanna sa kamay ng kaniyang mga amo.

Dahil sa dinadanas na hirap, plinano ni Joanna na tukasan ang kaniyang amo pero nauwi ito sa isang malagim na krimen na naging malaking usapin sa relasyon ng Pilipinas at Kuwait.


Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

--FRJ, GMA News