Inabisuhan ng Department of Foreign Affairs ang mga Pinoy na planong magtungo sa Brunei Darussalam na may ipinatutupad na temporary travel ban  sa nasabing lugar bilang pag-iingat sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

"Beginning 24 March 2020, the Government of Brunei Darussalam imposed a temporary travel ban on the entry of all foreign nationals to the Sultanate as part of the containment measures to prevent the further spread of the COVID-19 pandemic," ayon sa pahayag ng DFA nitong Huwebes.

"The travel ban, which includes foreign nationals who are transiting through Brunei Darussalam, will be implemented at entry points (airports, seaports and land borders) and will be in effect until further notice," dagdag nila sa pahayag.

Pinayuhan ng DFA ang mga Pinoy na bibiyahe o magtatrabaho sa Brunei na ipagpaliban ang pagpunta doon at makipag-ugnayan sa kanilang airline company para hindi maabala.--FRJ, GMA News