Inihayag ng Philippine consulate general na 23 Pilipinos na ang nasawi sa Dubai dahil sa mga komplikasyong dulot ng COVID-19.
Inihayag ito ni Consul General Paul Raymund Cortes sa televised briefing nitong Biyernes. Gayunman, hindi nabanggit ng opisyal kung ilan ang Pinoy sa Dubai na nagpositibo sa COVID-19.
“Mino-monitor po namin lahat sila. So far, marami naman ang nagkakaroon ng recovery,” anang opisyal.
Nakapagbigay na umano ng embahada ng tulong pinansiyal sa mga Filipino worker na naapektuhan ang trabaho dahil sa mga ipinatutupad na hakbang para hindi na kumalat ang virus sa Dubai.
“Magkakaroon na rin ng tsansa ang mga kababayan natin na bumalik sa kani-kanilang mga trabaho,” sabi ni Cortes .
Mayroon umanong 1,500 Pinoy doon ang nagpahayag ng kagustuhang umuwi na sa Pilipinas.
Sa tala ng Department of Foreign Affairs nitong Huwebes, nakasaad na 434 ang kaso ng mga Pinoy sa Middle Eat/Africa (na kinaroroonan ng Dubai) na nagpositibo sa virus.
Sa naturang bilang, 19 ang nasawi, 36 ang gumaling at 379 ang patuloy na ginagamot.
7 May 2020
— DFA Philippines (@DFAPHL) May 7, 2020
Of the 46 countries and regions with confirmed COVID-19 cases among overseas Filipinos, the DFA reports today a total of 1,922 cases (473 DOH IHR verified), of which are 21 new confirmed cases, 34 new recoveries mostly recorded from the Asia and the Pacific and (1/3) pic.twitter.com/yOYQ2w4sfY
Samantala, 1,922 na ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa abroad (na nasa 46 na mga bansa at teritoryo) ang nagpositibo sa COVID-19. Sa naturang bilang, 222 ang nasawi, 557 ang gumaling at 1,922 ang patuloy na ginagamot.--FRJ, GMA News
