Magpapatupad ng travel ban simula sa Abril 29, 2021 ang Pilipinas mula sa mga manggagaling sa India, na nakararanas ngayon ng matinding pagdami ng COVID-19 cases.

Ayon kay presidential spokesman Harry Roque, magtatagal ang travel ban hanggang sa Mayo 14.

Samantala, ang mga darating bago ang Huwebes ay hindi makakasama sa travel restrictions.

“Restrictions as to travelers coming from other countries that report the new strain may be imposed by the Office of the President upon the joint recommendation of the Department of Health (DOH) and the Department of Foreign Affairs,” ayon kay Roque.

ADVERTISEMENT

Inatasan din ng Department of Transportation ang mga tauhan na tiyakin na ang mga pasahero lamang bahagi ng repatriation efforts ng Pilipinas ang papayagang makapasok sa bansa.

Sa nakalipas na mga araw, nakapagtala ng mga bagong record sa daily COVID-19 cases sa buong mundo ang India.

Sa nakalipas na 24 oras, may nadagdag na 323,144 new cases ang India, na bahagya na lang ang layo sa worldwide peak na 352,991 nitong Lunes.

Napupuno na ang kanilang mga ospital at nagkakaubusan na rin ng oxygen supplies.

Maging ang pag-cremate sa ilang mga nasasawi, isinasagawa na sa parking lot.

Kabilang ang dalawang Pilipino sa mga naitalang nasawi sa India dahil sa COVID-19. Mayroon pang 20 iba pa na ginagamit

Naniniwala ang mga eksperto na ang pagdami ng COVID-19 cases sa India ay dulot ng bagong coronavirus variant na “double mutant.”

Una nang nagrekomenda si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin na magpatupad ang Pilipinas ng temporary ban sa mga manggagaling sa India.--FRJ, GMA News