Isang Filipino-American Army veteran ang hinatulang makulong ng 25 taon dahil sa pagplano niyang bombahin ang isang political rally sa Long Beach, California noong 2019, ayon sa US Department of Justice.

Guilty ang naging hatol ng korte kay Mark Steven Domingo, 28-anyos, sa kasong pagbibigay niya ng suporta sa mga terorista at planong paggamit ng "weapon of mass destruction."

Ang hatol ay iginawad nitong November 1.

Nadakip si Domingo noong Abril 2019 nang matuklasan ang pagpapahayag niya ng suporta sa karahasan, partikular ang paghihiganti sa pag-atake laban sa mga Muslim, at kahandaan niyang maging "martyr."

Ayon sa US-DOJ, pinagplanuhan ni Domingo na pasabugan ang white nationalist rally na gagawin sa Long Beach noong April 2019.

“Domingo selected the Long Beach rally as his target and, in April 2019, drove his confederate and the undercover officer to Long Beach to scout the location he planned to attack. While there, Domingo discussed finding the most crowded areas to place the bombs so he could kill the most people,” ayon sa US-DOJ.

“On April 26, 2019, Domingo received what he thought were two live bombs, but were actually inert explosive devices delivered by an undercover law enforcement officer. He was arrested that same day with one of the bombs in his hands,” patuloy nito.

Bago ang pag-aresto, nagtawag umano si Domingo ng isang event na katulad sa October 2017 mass shooting sa Las Vegas.

"Following an attack on Muslims in New Zealand in March 2019, Domingo called for retribution in an online post," ayon sa US-DOJ. — FRJ, GMA News