Isang Filipino ang naging biktima ng pag-atake at pinagnakawan sa loob ng isang mall sa California, USA.

Sa cellphone video, makikita ang suspek na kinuha ang gamit ng biktima na nakabagsak sa sahig.

Nakatakas ang suspek na posible umanong armado ng patalim, ayon sa pulisya doon.

Nangyari ang insidente sa loob ng Southland Mall sa  Hayward noong Sabado ng umaga.

Hindi tinukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan sa biktima. Pero nakipag-ugnayan na umano ito sa mga awtoridad.

Sa isang ulat ng NBC Bay Area, sinabing hindi nagbigay ng pahayag ang Hayward police tungkol sa posibilidad na isa na namang racial crime ang nangyaring insidente.—FRJ, GMA News