Inihayag ng Department of Tourism na libu-libong job opportunities ang bukas para sa hospitality industry ng Thailand.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Martes, kailangang punan ng Thailand ang libu-libong bakante sa hospitality industry mula sa staff hanggang middle manager positions.

Ayon umano sa Thai Tourism Minister, nagkukulang ang kanilang mga manggagawa sa turismo ngayong inalis na ang COVID-19 restrictions at nanunumbalik na ang sigla ng turismo sa kanilang bansa.

Inaayos na umano ng DOT at Department of Labor and Employment ang isasagawang tourism job fair para rito na idaraos mula sa September 22 hanggang 24.--FRJ, GMA News