Plano ng lalawigan ng Saskatchewan sa Canada na kumuha ng mga healthcare worker mula sa Pilipinas upang mapalakas ang kanilang healthcare system.
Sa inilabas na pahayag ng Canadian Embassy, sinabing gagawin ng Saskatchewan ang recruitment ng mga Pinoy healthcare worker sa loob ng dalawang taon.
Full-time jobs ang iaalok sa mga kukuning registered nurses, licensed practical nurses, continuing care assistants at medical laboratory assistants.
“We want to spread the word to health-care workers in the Philippines that our province is a place of great opportunity,” sabi ni Saskatchewan’s Minister of Health Paul Merriman.
“We would love to welcome into our friendly Saskatchewan communities health-care workers from the Philippines who are interested in coming to work and live here along with their families,” dagdag niya.
Ang Saskatchewan ang unang lalawigan sa Canada na nagpasimula ng programa upang magsanay at kumuha ng mga eligible nurse mula sa Pilipinas.
Ang asawa ng matatanggap na healthcare workers ay tutulungan umano ng makahanap din ng ibang trabaho sa Saskatchewan, na sinasabing mayroong 33,000 Pinoy na naninirahan na.
“Our province has had much success in welcoming Filipino nurses and other health-care workers into our workforce and our communities,” aton kay Minister of Mental Health and Addictions, Seniors and Rural and Remote Health Everett Hindley.
“We wish to invite the Filipino people to consider building a thriving career here in Saskatchewan, where you can enjoy a great quality of life, raise a family and be part of a strong and supportive community,” sabi pa niya.
Una rito, lumagda kamakailan ang Pilipinas Province of Alberta, Canada ng kasunduan na palakasin din ang pagtutulungan para sa kapakanan ng Filipino nurses, ayon sa Department of Foreign Affairs.
Nitong Lunes, iniulat na nasa Pilipinas ang mga kinatawan ng ilang ospital sa US para mag-hire ng Pinoy nurses. —FRJ, GMA News

