Isang Pinay ang natagpuang patay sa loob ng kaniyang hotel room sa New York City sa United States, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes base sa impormasyon mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon kay DFA spokesperson Teresita Daza, nakatanggap ng impormasyon ang Philippine Consulate General sa New York mula sa Office of the Chief Examiner ng nasabing lungsod hinggil sa natagpuang katawan.

ADVERTISEMENT

Hindi pa matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng Pinay, pero ipinagbigay alam na ng otoridad sa kaanak nito ang nangyari.

Nakatakda rin daw magbigay ang pamahalaan ng tulong sa pamilya ng Pinay. —KBK, GMA Integrated News