Posible umanong pagmultahin ang turistang Pinay na nasugatan sa Taiwan matapos mahagip ng tren kapag napatunayang nilabag niya ang Railway Act sa naturang teritoryo.
Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Miyerkoles, ipinakita ang CCTV footage sa Shifen Old Street sa Taipei, habang nagpapa-picture sa tabi ng riles ang turistang Pinay.
Nang itaas niya ang kaniyang mga kamay, nahagip siya ng paparating na tren at natumba.
Nagpagulong-gulong pa umano ang Pinay at naipit ang kaniyang buhok.
Ayon sa mga awtoridad doon, dinala sa ospital ang Pinay na nagtamo ng sugat sa ulo.
Sinabi naman ng Manila Economic Cultural Office (MECO), na stable na ang lagay ng Pinay na sumailalim sa surgery dahil sa tinamong mga pinsala sa ulo, dibdib at balakang.
Mag-isa lang umano ang Pinay na bumiyahe pero sumama ito sa isang tour.
Nakausap na rin umano ng MECO ang kaanak ng biktima, pati na ang travel egency nito na sasagot sa gastusin sa ospital sa pamamagitan ng insurance.
Inihayag naman ng Taiwan Railway Police Bureau, na posibleng pagmultahin ang Pinoy ng hanggang kapag napatunayan na nilabag niya ang kanilang Railway Act na nagbabawal na mag-trespass ang publiko sa riles. -- FRJ, GMA Integrated News