Dalawang overseas Filipino worker (OFWs) ang iniulat na nawawala sa Hong Kong, ayon sa Migrant Workers Office (MWO).

Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Lunes, kinilala ang mga nawawalang OFW na sina Imee Mahilum Pabuaya, 23-anyos, at Aleli Perez Tibay, 33-anyos.

Huling nakita ang dalawa noong October 4 sa Tsuen Wan District.

Ayon kay Migrant Workers Office officer-in-charge Antonio Villafuerte, lumabas na sa social media ang nangyaring pagkawala ng dalawa.

Nakikipag-ugnayan naman ang Philippine Consulate sa pulisya at Immigration department sa Hong Kong para mahanap ang dalawang OFW. —FRJ GMA Integrated News