Patay na nang matagpuan ang pitong magsasaka na dinukot ng mga hinihinalang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group sa Basilan.
Sa ulat ng GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Lunes, walang ulo ang mga bangkay nang nakita ng mga awtoridad nitong Linggo.
Kabilang sa mga nakitang patay ang ama ng isang local television reporter, na kabilang sa mga dinukot ng mga armado noong July 20 sa gubat sa bayan ng Maluso.
Halos hindi na rin daw makilala ang dalawa pang bangkay na natagpuan sa hangganan ng Isabela City at bayan ng Lantawan.
Nauna namang natagpuan noong Sabado ang katawan ng dalawa pang magsasaka.
Nanawagan naman hustisya ang mga kaanak ng mga biktima. -- FRJ, GMA News
