Isang tricycle driver ang nasawi nang masabugan ng hindi pa matukoy na pampasabog sa gilid ng kalsada sa Guimba, Nueva Ecija.
Sa ulat ng GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Martes, kinilala ang biktima na si Marvin Barrientos, 40-anyos. Limang iba, kabilang ang isang estudyante at guro ang dinala sa ospital.
Ayon sa pulisya, tinatahak ng mga biktima ang Guimba-Cuyapo Road nang biglang mangyaru ang pagsabog at nahagip si Barrientos.
Nabangga pa ng biktima ang isang tricycle na sinasakyan ng iba pang nasugatan.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung sino ang naglagay ng pampasabog at kanilang motibo.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News
